Logo
FULIOPAC 

FOUNDATION UNIVERSITY LIBRARY INTEGRATED ONLINE PUBLIC ACCESS CATALOG

 Home  About Us   Libraries   Services  AI (Artificial Intelligence)  FULELR   FULOG-InS  CoRe   e-Books e-Resources  Databases   Gale Complete  Gender&Development  Thesis/Dissertation   BP/Capstone/FS   DigiLib   Lists   CourseReserves   FilOnline  
Local cover image
Local cover image
Image from Google Jackets

Bukal ng lahi 8 / Louise Vincent B. Amante and Jose D. Francisco, Jr.

By: Contributor(s): Material type: TextTextSeries: Serye sa FilipinoPublication details: Quezon City : Brilliant Creations Publishing, Inc., 2019.Description: viii, 325 p. : ill., 25 cmISBN:
  • 9786218006843
Subject(s): LOC classification:
  • PL 5505 .2019 Am484
List(s) this item appears in: FPA- Junior High School
Tags from this library: No tags from this library for this title. Log in to add tags.
Star ratings
    Average rating: 0.0 (0 votes)
Holdings
Cover image Item type Current library Call number Status Barcode
Books Books Foundation Preparatory Academy (FPA) Library FPA High School Filipiniana (FPA-JHS) Fil. PL 5505 .2019 Am484 (Browse shelf(Opens below)) Available 0372025017087

Inihanda ng Brilliant Creations Publishing, Inc. ang aklat na Bukal ng Lahi 8: Serye sa Filipino (Edisyong K to 12) para sa mga mag-aaral ng ikawalong baytang. Ito ay karugtong ng serye ng aklat na Bukal ng Lahi, na nakaayon sa mga aralin sa K to 12 Filipino Gabay Pangkurikulum na ipinalabas ng Departamento ng Edukasyon.
Layunin ng aklat na ito na malinang sa mga mag-aaral ang kakayahang komunikatibo, replektibo/mapanuring pag-iisip, at pagpapahalagang pampanitikan. Upang matamo ang layuning ito, sinikap na mapalawig ang mga kaalaman at pagsasanay sa aklat upang ang mga mag-aaral ay magkaroon ng mayamang karanasan sa paglinang ng kanilang kakayahan sa:
1. pagpapamalas ng pag-unawa sa mga akdang pampanitikan sa Panahon ng mga Katutubo, Espanyol at Hapon;
2. pagsulat ng resulta ng isang sistematikong pananaliksik na nagpapakita ng pagpapahalaga sa katutubong kulturang Pilipino;
3. pagpapamalas ng pag-unawa sa mga akdang pampanitikang lumaganap sa Panahon ng Amerikano, Komonwelt, at sa Kasalukuyan;
4. pagsulat ng sariling tula sa alinmang anyong tinalakay tungkol sa pag-ibig, sa tao, bayan, o kalikasan;
5. pagpapamalas ng pag-unawa sa kaugnayan ng panitikang popular sa kulturang Pilipino;
6. pagbubuo ng kampanya tungo sa panlipunang kamalayan sa pamamagitan ng multimedia (social media awareness campaign);
7. pagpapamalas ng pag-unawa sa isang dakilang akdang pampanitikan na mapagkukunan ng mahahalagang kaisipang magagamit sa paglutas ng ilang suliranin sa lipunang Pilipino sa kasalukuyan; at
8. pagbubuo ng makatotohanang radio broadcast na naghahambing sa lipunang Pilipino sa panahon.

Ginawang magkalapat ang pagtalakay ng mga araling pampanitikan at pangwika upang maging lalong makahulugan at makabuluhan ang paglinang ng kahusayan sa komunikasyon. May mga gawaing papangkat na naglalayong higit pang makahikayat ng aktibong pakikiisa sa talakayan. May mga panapos na gawain sa bawat aralin na humahamon sa mga mag-aaral na maging malikhain, matatas, at epektibo sa paggamit ng Filipino sa pakikipagtalastasan.
Nawa'y makatulong ang aklat na ito sa paglinang ng inaasahang mga pamantayan para sa mga mag-aaral,at sa paglinang ng higit pang pagpapahalaga sa sariling kultura, sa pamamagitan ng iba'tibang mga panitikang pambansa.

Includes bibliographical references and glossaries.

There are no comments on this title.

to post a comment.

Click on an image to view it in the image viewer

Local cover image