Logo
FULIOPAC 

FOUNDATION UNIVERSITY LIBRARY INTEGRATED ONLINE PUBLIC ACCESS CATALOG

 Home  About Us   Libraries   Services  AI (Artificial Intelligence)  FULELR   FULOG-InS  CoRe   e-Books e-Resources  Databases   Gale Complete  Gender&Development  Thesis/Dissertation   BP/Capstone/FS   DigiLib   Lists   CourseReserves   FilOnline  

Wow, Filipino! 9 /

Saul, Aileen Joy

Wow, Filipino! 9 / Aileen Joy Saul, PhD, Marvin M. Zapico, Ian Mark P. Nibalvos, and Alvin Ringgo C. Reyes. - 1st ed. - Quezon City : Vibal Group, Inc., 2020. - xxix, 594 p. : col. (ill.), 26 cm.

Ang Wow, Filipino! ay serye ng mga aklat sa Filipino sa Jumior High School na maingat na inihanda sunod sa K-12 Curriculum ng Kagawaran ng Edukasyon. Tampok dito and mga bagong akdang pampanitikang masusing sinaliksik at masinop na isinalin o muling-isinalaysay mula sa Pilipinas at iba't-ibang panig ng mundo. Nagbibigay ito ng ekspertong talakay sa mga paksang pangwika at pampanitikan na sinusoportahan ng mga gawaing tumtutugon sa kalikasan at pangangailangan ng Generation Z.
Sumusunod ang Wow, Filipino! sa framework ng Outcomes-Based Education (OBE). Bawat aralin ay nagsisimula sa mga layuning pampagkatutong (expected learning outcomes) inaasahang makakamit ng mga mag-aaral. Sinusundan ito ng mga gawain sa pagtataya (assessment task) na titiyak naman ng matagumpay na pagkakamit ng nasabing mga layunin. Ang gawain sa pagtataya ay nakabatay sa disenyong Problem-Based Learning (PBL) upang matiyak na kontekstuwalisado ito sa realidad ng buhay at nakatutugon sa tunay na mga suliranin ng tao, lipunan, o mundo. Ipinapakita ang tumbasan ng gawain at target na layunin upang malinaw na masundan ang pagkakatugma-tugma (constructive alignment) ng layunin-pagtataya-aralin-gawain. Bawat gawain sa pagtataya ay ginagabayan ng komprehensibong rubric.
Nililinang ang mga kasanayanng pampagkatuto sa ika-21 siglo, sagana sa mga gawaing magpapataasng kakayahan sa pananaliksik, may matibay na integrasyon ng teknolohiya, maraming pagkakataon sa kolaborasyon- palalalimin ng serye ang pagpapahalaga ng mga mag-aaral sa kanilang katutubo at pambansang pagkakakilanlan habang pinalalawak ang kanilang oryentasyong global.
Kaysayang matuto! Kaysarap maging Pilipino! Wow, Filipino!

Includes bibliographical references, indexes, and glossaries.

9789710746385


Literature--Study and teaching--Asia.
Authorship.

PL 5503 / .2020 S256