Logo
FULIOPAC 

FOUNDATION UNIVERSITY LIBRARY INTEGRATED ONLINE PUBLIC ACCESS CATALOG

 Home  About Us   Libraries   Services VGSincoMemorabilia Foundationiana  AI (Artificial Intelligence)   FULEAP  FULELR   FULIndex  FULOG-InS  FULOldCatalog  CoRe   eBooks  eResources   PDF   Databases   GaleComplete  Gender&Development UNIndigenousPeoples UN17SDGoals Thesis/Dissertation   BP/Capstone/FS   DigiLib   Lists   CourseReserves   FilOnline  

Lawak ng paggamit ng mga guro ng MELCs sa paglinang ng tatlong domeyn ng pagkatuto [thesis] /

Repollo, Jeckson B.,

Lawak ng paggamit ng mga guro ng MELCs sa paglinang ng tatlong domeyn ng pagkatuto [thesis] / ni Jeckson B. Repollo. - Dumaguete City : Foundation University, 2024. - ix, 77 leaves : ill. ; 28 cm.



Includes bibliographical references and appendices.

Buod

Ang pag-aaral na ito ay naglalayong suriin ang lawak ng paggamit ng mga guro ng
MELCs (Most Essential Learning Competencies) sa paglinang ng tatlong domeyn ng
pagkatuto sa Filipino mula sa pananaw ng mga mag-aaral. Isinagawa ito sa Metro
Dumaguete College at ang mga respondente ay binubuo ng 112 mga mag-aaral mula
sa Grade 11 at Grade 12, kasama ang parehong babae at lalaki. Ang pangunahing
instrumentong ginamit sa pagkalap ng mga mahalagang datos ay isang self-made
sarbey- kwestyoneyr. Sa pamamagitan nito, naisuri ang kognitib, apektib, at

saykomotor na domeyn ng pagkatuto sa Filipino mula sa perspektibo ng mga mag-
aaral. Sa pagpakahulugan ng mga datos, ginamit ng mananaliksik ang iba't ibang

estadistikal na pamamaraan tulad ng mean, median, percent, weighted mean,
Spearman Rank Order Correlation, Mann-Whitney U Test, ANOVA, at t-Test for
Independent Data. Ang mga ito ay nagbigay-linaw at nagbigay-katwiran sa mga
natuklasan ng pag-aaral. Bilang resulta ng pananaliksik, napatunayan na may
malawak na pagtanggap mula sa mga mag-aaral sa paggamit ng MELCs sa pagtuturo
ng Filipino sa kognitib, apektib, at saykomotor na domeyn ng pagkatuto. Nagpakita
rin ng positibong korelasyon ang akademikong performans ng mga mag-aaral sa
asignaturang Filipino. Sa kabuoan, naipakita ng pag-aaral na ito ang kahalagahan ng
tamang paggamit ng MELCs sa pagpapaunlad ng tatlong domeyn ng pagkatuto sa
asignaturang Filipino mula sa pananaw ng mga mag-aaral.

Keywords: MELCs (Most Essential Learning Competencies),domeyn ng pagkatuto,

pananaw ng mga mag-aaral, akademik performans,


Teaching--Standards.--Philippines
Competency-based education--Philippines.
Learning domains--Philippines.
Curriculum evaluation--Philippines.
Curriculum evaluation--Philippines.


Thesis Writing :--Lawak ng Paggamit ng mga Guro ng MELCs sa Paglinang ng Tatlong Domeyn ng Pagkatuto ;--MA 101.

(GS-MAEFil) LG 221 D35 G73 / A5 E38 F55 .2024 R46